top of page

PNP San Rafael, Nagkasa ng Oplan SITA laban sa Road Obstructions sa Bayan


Upang tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko at alisin ang mga sagabal sa kalsada, nagsagawa ng Oplan SITA (Road Obstruction) ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa sakop ng bayan noong Hulyo 31, 2026.


Ang naturang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng Safer Cities Program upang panatilihing ligtas, organisado, at madaling daanan ang mga pangunahing kalsada sa San Rafael.


Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang disiplina sa lansangan, itaguyod ang pampublikong kaligtasan, at suportahan ang layunin ng pamahalaan na panatilihing malinis, ligtas, at accessible ang mga kalsada para sa lahat ng mga biyahero at mamamayan.


Comments


bottom of page