top of page

PNP San Rafael, Nagkasa ng Dayalogo at Lektura sa mga Kasapi ng TODA sa Brgy. Maronquillo

Upang patuloy na mapanatili ang kaayusan at kaalaman sa seguridad sa hanay ng mga pampublikong pasada, nagsagawa ng koordinasyon at dayalogo ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) kasama ang mga kasapi ng Tricycle Operators and Drivers' Association (TODA) sa Barangay Maronquillo ngayong Hulyo 26, 2026.


Isinagawa ang naturang lektura at dayalogo ganap na 2:25 ng hapon sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Naging pokus ng talakayan ang pagbabahagi ng mga Crime Prevention at Safety Tips, pati na rin ang pagpapaalala sa mahalagang papel ng mga drayber sa pagpapanatili ng kapayapaan bilang mga "mata at tainga" ng komunidad sa kalsada, partikular bilang paghahanda sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) 2026.



Comments


bottom of page