PNP San Rafael, Nagkasa ng Anti-Criminality Checkpoint sa Brgy. Sampaloc
- SB San Rafael

- Jul 30
- 1 min read

Upang patuloy na mapanatili ang seguridad sa mga pangunahing kalsada at maiwasan ang anumang uri ng krimen, nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Sampaloc ngayong Hulyo 30, 2026.
Isinagawa ang naturang checkpoint simula 9:30 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Isinagawa ang operasyon upang mahigpit na ipatupad ang mga batas trapiko at mga lokal na ordinansa sa bayan. Bahagi rin ito ng patuloy na inisyatibo ng istasyon upang pigilan ang mga ilegal na gawain at tiyakin ang pangkalahatang kaligtasan at kaayusan ng buong komunidad.




Comments