PNP San Rafael, Nagbigay-Seguridad sa Inagurasyon ng mga Bagong Gusali sa BSU San Rafael

Nagpatupad ng area security at police visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station noong Setyembre 17, 2026, bandang alas-8:00 ng umaga sa ginanap na inagurasyon ng mga bagong gusali sa Bulacan State University (BSU) – San Rafael Campus sa Bypass Road, Barangay San Roque, San Rafael, Bulacan.
Isinagawa ang pagbibigay-seguridad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael Municipal Police Station.
Layunin ng police visibility at area security na makatulong sa pagpapanatili ng ligtas, maayos at organisadong kapaligiran habang isinasagawa ang mahalagang aktibidad sa komunidad.






Comments