PNP SAN RAFAEL, NAGBABALA LABAN SA SEXUAL VIOLENCE

Nagpaalala ang San Rafael Municipal Police Station sa publiko na manatiling mapagmatyag at magsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang sexual violence o karahasang seksuwal.
Hinikayat ng kapulisan ang bawat isa na maging alisto sa kapaligiran, magtakda ng personal na hangganan at agad humingi ng tulong kapag nakakaramdam ng panganib o hindi ligtas na sitwasyon.
Binigyang-diin din ng PNP na mahalaga ang pahintulot o consent sa anumang uri ng pakikipag-ugnayan at hindi kailanman kasalanan ng biktima ang anumang uri ng sexual violence.
Nanawagan din ang kapulisan ng sama-samang pagkilos upang makabuo ng isang komunidad na ligtas at may paggalang sa karapatan ng bawat isa.
Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa 911.






Comments