PNP San Rafael, Nag-Ronda sa Saint John of God Parish Church sa Brgy. Poblacion
- SB San Rafael

- Jul 20
- 1 min read
Upang tiyakin ang seguridad at kaayusan ng mga mamamayang nagsisimba, nagsagawa ng Foot Patrolling at Police Visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa paligid ng Saint John of God Parish Church sa Barangay Poblacion nitong Hulyo 19, 2026.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 7:00 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng kapanatagan sa mga deboto at mamamayang dumadalo sa banal na misa sa pamamagitan ng aktibong presensya ng kapulisan (police presence), pati na rin ang pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko at pag-iwas sa anumang krimen sa paligid ng simbahan.




Comments