PNP San Rafael, Nag-Ronda sa Maronquillo National High School
- SB San Rafael

- Jul 30
- 1 min read
Upang patuloy na matiyak ang seguridad at kaayusan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan, nagsagawa ng Foot Patrolling at Police Visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Maronquillo National High School sa Barangay Maronquillo ngayong Hulyo 30, 2026.
Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 3:30 ng hapon sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Layunin ng patuloy na inisyatibong ito na magbigay ng kapanatagan sa buong komunidad ng paaralan sa pamamagitan ng aktibong presensya ng kapulisan (police presence), kasabay ng pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko at pag-iwas sa anumang insidente o krimen sa paligid ng pampublikong mataas na paaralan tuwing oras ng pag-uwi ng mga estudyante.




Comments