top of page

PNP San Rafael, Nag-Ronda sa Carlos F. Gonzales High School sa Brgy. Maguinao

Upang patuloy na matiyak ang seguridad at kaayusan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan, nagsagawa ng Foot Patrolling at Police Visibility ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Carlos F. Gonzales High School sa Barangay Maguinao ngayong Hulyo 31, 2026.


Isinagawa ang naturang pagpapatrolya simula 11:10 ng tanghali sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Layunin ng inisyatibong ito na panatilihin ang aktibong presensya ng kapulisan (police presence) sa paligid ng mga paaralan, pigilan ang anumang uri ng kriminalidad o aksidente sa kalsada, at magbigay ng kapanatagan ng loob sa buong komunidad ng paaralan sa gitna ng pang-araw-araw na klase at aktibidad.


Recent Posts

See All

Comments


bottom of page