PNP San Rafael, Nag-Barangay Visit at Dayalogo sa Brgy. Maronquillo Kaugnay ng SONA 2026
- SB San Rafael

- Jul 26
- 1 min read

Upang patuloy na mapalakas ang ugnayan sa komunidad at tiyakin ang kapayapaan sa bayan, nagsagawa ng Barangay Visitation at dayalogo ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Maronquillo nitong Hulyo 24, 2026.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.
Naging pangunahing pokus ng dayalogo ang pagbabahagi ng mga kapaki-pakinabang na crime prevention tips at mga paalala sa seguridad, bilang bahagi ng mga paghahanda at pagpapanatili ng kaayusan kaugnay ng ginanap na State of the Nation Address (SONA) 2026.





Comments