PNP San Rafael, Lumahok sa 4th ROCBDCP Deliberation Meeting

Lumahok ang San Rafael Municipal Police Station sa 4th Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program (ROCBDCP) Deliberation Meeting ngayong Setyembre 21, 2026 sa DILG Region III Office sa City of San Fernando, Pampanga.
Pinangunahan ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, ang pakikilahok ng San Rafael MPS sa pagpupulong na naglalayong palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang stakeholder sa pagpapatupad ng Barangay Drug Clearing Program.

Tinalakay sa deliberasyon ang assessment ng mga hakbang at programa ng mga barangay kaugnay ng pagpapanatili ng drug-cleared at drug-free communities.
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael, patuloy na nakikibahagi ang San Rafael MPS sa mga hakbang laban sa ilegal na droga at sa pagpapanatili ng ligtas, maayos at drug-free na mga komunidad.






Comments