top of page

PNP San Rafael at MLGOO, Nagpulong para sa Kapayapaan at Kaayusan


Upang lalo pang patatagin ang mga programa para sa seguridad, kapayapaan, at kaayusan sa bayan, nagsagawa ng isang mahalagang coordination meeting ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) kasama ang kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Hulyo 29, 2026.


Ginanap ang naturang pagpupulong bandang 10:00 ng umaga sa Barangay Sampaloc sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS, at sa pakikipag-ugnayan kay Bb. Mary Joy Nabor, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO).


Naging pangunahing paksa sa talakayan ang mga plano at stratehiya para sa kapayapaan at kaayusan na nakapaloob sa Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan ng bayan. Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang masusing koordinasyon sa pagitan ng pambansang pulisya at ng local government operations office para sa epektibong pagpapatupad ng mga programang pangkatiwasayan.

Comments


bottom of page