PNP San Rafael at MDRRMO, Nagkaisa sa Pagpapanatili ng Kaayusan sa Pagbubukas ng WalterMart sa Cruz na Daan
- SB San Rafael

- Jul 29
- 1 min read
Upang tiyakin ang seguridad ng mamamayan at panatilihin ang maayos na daloy ng trapiko, nagsagawa ng malawakang Traffic Assistance at Area Security ang San Rafael Municipal Police Station (MPS) katuwang ang iba't ibang ahensya sa pagbubukas ng WalterMart sa Barangay Cruz na Daan nitong Hulyo 24, 2026.
Nagsimula ang operasyon bandang 7:45 ng umaga sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS, kasama ang 301st Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) sa pangunguna ni PMAJ Van Kimber Kitong (Company Commander), ang 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pamumuno ni PLTCOL Karl Marl Sanchez (Force Commander), at ang San Rafael Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa ilalim ni Bb. Regine Mendoza (Officer-in-Charge).
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili at sasakyan para sa grand opening ng bagong mall, nagtulungan ang mga kapulisan at rescuers upang maging ligtas, organisado, at walang sagabal ang daloy ng trapiko at paggalaw ng mga tao sa paligid ng establishment.





Comments