top of page

PNP San Rafael at BPATs, Nagkaisa sa Late-Night Community Dialogue para sa Kapayapaan


Upang lalo pang patatagin ang seguridad at kaayusan sa mga barangay, nagsagawa ng Barangay Ugnayan at late-night community dialogue ang mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) kasama ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa iba't ibang bahagi ng bayan ngayong gabi ng Hulyo 30, 2026.


Nagsimula ang talakayan bandang 8:00 ng gabi sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Naging pangunahing pokus ng ugnayan ang mga estratehiya sa pag-iwas sa kriminalidad (crime prevention strategies) at mga kritikal na payong pangkalligtasan. Isinagawa ang aktibidad upang palakasin ang mga lokal na hakbangin sa seguridad alinsunod sa mga direktiba ng JBM Patrol System sa ilalim ng Police Regional Office 3 (PRO3).


Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ugnayan sa mga BPATs na nagsisilbing force multipliers ng kapulisan, natitiyak ang mas ligtas at payapang kapaligiran para sa bawat mamamayan.



Recent Posts

See All

header.all-comments


bottom of page