top of page

PNP at Barangay Tanod, Pinagtibay ang Pagtutulungan sa Seguridad

Aug 4
1 min read

Patuloy na isinusulong ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang JBM Patrol System (Joint Police and Barangay BPATs/Tanod Mobilization Towards Crime Prevention) bilang bahagi ng mga hakbang para sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa komunidad.


Sa pangunguna ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, isinasagawa ang pagtutulungan ng kapulisan, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), at mga barangay tanod sa pamamagitan ng magkasanib na pagpapatrolya.


Layunin ng programa na palakasin ang pakikilahok ng komunidad, ugnayan sa pagitan ng kapulisan at barangay, at sama-samang pagpapatrolya upang maiwasan ang krimen at mapanatili ang kaayusan.


Patuloy na hinihikayat ng San Rafael MPS ang pakikiisa ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng ligtas, mapayapa, at maayos na komunidad.


Comments


bottom of page