top of page

PLEB, Nagpulong Ukol sa Disiplina ng mga Pulis sa Bayan

Jun 8
1 min read

Upang masiguro ang hustisya, disiplina, at integridad sa hanay ng mga alagad ng batas, muling nagtipon at nagdaos ng isang mahalagang pagpupulong ang People's Law Enforcement Board (PLEB) ng San Rafael kamakailan.


Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na mandato at tungkulin ng PLEB na dinggin, talakayin, at resolbahin ang mga usaping may kinalaman sa disiplina at pananagutan ng mga miyembro ng kapulisan na naglilingkod sa nasasakupan ng bayan.


Sa kabuuan ng pagpupulong, masusing hinimay ng lupon ang mga nakabinbing reklamo at iba pang mahahalagang usapin. Layunin nito na matiyak ang isang patas, mabilis, at makatarungang proseso para sa parehong panig ng nagrereklamo at ng inirereklamong kapulisan. Sa pamamagitan ng maayos at transparent na pamamahala, layon din ng PLEB na mas mapatibay at mapanatili ang tiwala ng publiko sa lokal na pulisya.



Comments


bottom of page