Pinalakas na Serbisyong Medikal sa San Rafael, Isinulong sa Local Health Board Meeting
- SB San Rafael

- Jul 30
- 1 min read

Upang patuloy na mapaganda ang kalidad ng mga serbisyong pangkalusugan sa bayan, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Local Health Board Meeting.
Pinangunahan ang naturang pagtitipon ng pamunuan ng lokal na pamahalaan kasama ang mga kinatawan mula sa Municipal Health Office (MHO), mga pampublikong health workers, at iba pang katuwang na sektor sa kalusugan.
Tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang estado ng mga programang pangkalusugan sa bayan, ang pagpapatatag ng mga pasilidad medikal, mga hakbangin sa pag-iwas sa mga sakit, at ang mas mabilis na paghahatid ng libreng gamot at konsultasyon para sa mga residenteng San Rafaeleño.
Ang regular na pagtitipong ito ng Local Health Board ay bahagi ng patuloy na komitment ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyakin ang isang malusog, ligtas, at alagang-alagang komunidad.





Comments