top of page

PhilHealth Contributions ng mga Kwalipikadong PWD, Sasagutin sa Ilalim ng Bagong Circular

Oct 25
1 min read

Inilabas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Circular No. 2026-0017 na naglalaman ng mga patakaran kaugnay ng coverage ng mga Persons with Disabilities (PWDs) at kanilang mga dependent sa National Health Insurance Program.


Alinsunod sa circular, libre na ang PhilHealth contributions ng mga kwalipikadong PWD at kanilang mga dependent sa pamamagitan ng kaukulang mekanismo ng pagbabayad ng premium contributions.


Para naman sa mga PWD na may trabaho, paghahatian ng empleyado at employer ang pagbabayad ng premium contributions. Samantala, sasagutin ng pamahalaan ang kontribusyon ng mga PWD na walang hanapbuhay.


Layunin ng patakarang ito na matiyak ang patuloy na pagkakaroon ng health insurance coverage ng mga PWD at mapalawak ang kanilang access sa mga serbisyong pangkalusugan.


Para sa karagdagang impormasyon, maaaring basahin ang buong PhilHealth Circular No. 2026-0017 sa opisyal na website ng PhilHealth.


Basahin ang circular: PhilHealth Circular No. 2026-0017

Comments


bottom of page