top of page

PESO San Rafael, Nagsagawa ng Job Fair at One-Stop Government Services sa Munisipyo


Upang tulungang makahanap ng disenteng hanapbuhay ang mga mamamayan, matagumpay na naisagawa ang isang Job Fair with One-Stop Government Services sa gusali ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.


Ang naturang inisyatibo ay pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael sa pamumuno ni Gng. Reela I. Tuazon, PESO Officer.


Nilahukan ang aktibidad ng iba't ibang kumpanya na nag-alok ng maraming oportunidad sa lokal na trabaho para sa mga job seekers. Kasabay nito, nakiisa rin ang ilang pambansang ahensya ng pamahalaan upang magkaloob ng One-Stop Shop services, tulad ng mabilisang pagproseso ng mga kailanganing dokumento at requirements para sa pag-aaplay.



Layunin ng pinagsamang programang ito na direktang ilapit ang mga fultime na oportunidad sa kabuhayan sa mga mamamayan at tiyaking hindi na nila kailangang lumayo pa upang makahanap ng trabaho o magproseso ng mga papeles.


Ang patuloy na pagtataguyod ng mga programang pangkabuhayan ay buong pusong sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang garantiyahan ang mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilyang San Rafaeleño.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page