PESO San Rafael, Nagsagawa ng Fuzzy Flower at Candle-Making Training

Nagsagawa ang Public Employment Service Office (PESO) San Rafael ng pagsasanay sa paggawa ng fuzzy flowers at mga kandila para sa mga empleyado ng Pamahalaang Bayan.
Layunin ng pagsasanay na malinang ang talento at kasanayan ng mga kawani sa paggawa ng mga produktong maaaring mapakinabangan bilang karagdagang kaalaman at oportunidad.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng PESO San Rafael ang pagpapaunlad ng kakayahan ng mga empleyado at ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa mga mamamayan ng San Rafael.







Comments