top of page

PESO San Rafael, Nagsagawa ng Career Development Support Program sa mga Mataas na Paaralan


Sa layuning ihanda ang mga kabataang San Rafaeleño sa mundo ng pagtatrabaho, matagumpay na naitawid ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael ang Career Development Support Program (CDSP) 2026 noong ika-12 ng Marso, 2026.


Ang nasabing programa ay isinagawa sa San Rafael National Trade School (SRNTS) at Maronquillo National High School (MNHS). Sa pamamagitan ng CDSP, nabigyan ang mga mag-aaral ng sapat na pagsasanay, gabay, at impormasyon tungkol sa iba't ibang career pathways na maaari nilang tahakin pagkatapos ng kanilang pag-aaral.



Naging sentro ng talakayan ang pagpapalakas ng kasanayan (skills development) at ang pagbuo ng plano para sa propesyonal na pag-unlad. Ang inisyatibong ito ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mga punong-guro, guro, guidance advocates, at sa aktibong pakikilahok ng mga estudyante mula sa dalawang paaralan.


Ayon sa pamunuan ng PESO, sa ilalim ng suporta nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, patuloy nilang pagtitibayin ang mga programa na nagbibigay-kapangyarihan sa mga kabataan upang maging handa at kompetitibo sa hinaharap nilang karera.

Comments


bottom of page