top of page

PESO San Rafael, Naglunsad ng Skills Training para sa mga San Rafaeleño

Sep 3
1 min read

Patuloy na nagbibigay ng skills training ang PESO San Rafael upang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga residente at mabigyan sila ng dagdag na oportunidad sa trabaho, kabuhayan, at pagnenegosyo.


Isinagawa ang mga programa sa inisyatiba ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr. at sa pangunguna ni PESO San Rafael Head Reela I. Tuazon.


Kabilang sa mga training ang Shielded Metal Arc Welding (NC I) na may 15 araw na pagsasanay para sa 20 residente ng San Rafael, at Beauty Care Nails (NC II) na may 15 araw na pagsasanay para rin sa 20 residente.



Kasama rin ang Bread and Pastry Production (NC II) na may 10 araw na pagsasanay para sa 20 Out-of-School Youth (OSY) at ALS students.


Layunin ng mga pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kasanayang maaaring magamit sa paghahanap ng trabaho, pagtatayo ng sariling kabuhayan, at pagnenegosyo.

Comments


bottom of page