top of page

PESO San Rafael, Naglunsad ng Skills Training para sa mga San Rafaeleño

Sep 2
1 min read

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael noong Hulyo ang dalawang batch ng NC III Bookkeeping Training and Assessment para sa mga empleyado ng munisipyo at mga San Rafaeleñong nais mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa bookkeeping.



Sinundan ito ng NC II Training and Assessment sa Bread and Pastry Production at Dressmaking, na nagbigay ng karagdagang kasanayan sa mga kalahok na maaaring magamit sa paghahanap ng trabaho, self-employment, at livelihood opportunities.


Naging matagumpay ang mga programa sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga kalahok, katuwang na ahensya at training providers, gayundin ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng skills development, employment, at livelihood opportunities.


Bahagi ang mga training program ng patuloy na programa ng PESO San Rafael upang mabigyan ang mga mamamayan ng praktikal na kasanayan at dagdag na oportunidad para sa mas produktibong kabuhayan.

Comments


bottom of page