PESO San Rafael, Magdadaos ng Local Recruitment Activity para sa S&R Waltermart
- SB San Rafael

- May 28
- 1 min read
Updated: Jun 2

Isang Local Recruitment Activity ang isasagawa sa bayan upang maghatid ng mga bagong oportunidad sa trabaho para sa mga residenteng naghahanap ng mapagkakakitaan.
Ang aktibidad ay pangangasiwaan ng Good Hands Multi-Purpose Cooperative. Ang mga mapipiling aplikante sa nasabing recruitment ay itatalaga upang magtrabaho sa tanyag na kainan na S&R New York Style na matatagpuan sa Waltermart San Rafael.
Gaganapin ang recruitment sa Miyerkules, Hunyo 2, 2026, ika-9:00 ng umaga sa 3rd Floor, RCS Building, sa loob ng compound ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.
Pinayuhan ang lahat ng mga interesadong aplikante na magtungo sa pasilidad na magdala ng dalawang (2) kopya ng kanilang updated resume at maghanda para sa isinagawang on-the-spot interview at kaukulang assessment ng kumpanya.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga lehitimong kooperatiba at pribadong establisyimento, na magbukas ng pinto para sa lokal na empleyo upang hindi na kailanganin pa ng mga San Rafaeleño na lumayo para lamang makahanap ng maayos na trabaho.





Comments