top of page

PESO San Rafael, Nag-aanyaya sa mga Job Seekers para sa Agost 5 Job Fair


Inihayag ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael ang pagbubukas ng iba’t ibang bakanteng trabaho (job vacancies) para sa mga naghahanap ng mapapasukan sa gaganaping Job Fair with One-Stop Government Services.


Nakatakda ang naturang aktibidad sa darating na Agosto 5, 2026 (Miyerkules), simula 9:00 ng umaga sa 3rd Floor, Municipal Main Building ng San Rafael, Bulacan.



Inaanyayahan ang lahat ng mga residente—mga fresh graduates, kasalukuyang walang trabaho, o nagnanais na lumipat ng bagong kumpanya—na samantalahin ang pagkakataong makipag-ugnayan sa iba't ibang employer sa iisang lugar lamang.


Bukod sa mga bakanteng posisyon, maaari ring magproseso ng mga kailangang pampublikong dokumento sa tulong ng dadalong mga ahensya ng pambansang pamahalaan.


Upang makapagrehistro nang maaga, pinaalalahanan ang mga aplikante na sagutan ang opisyal na Google Form sa link na ito: https://forms.gle/eNPbsRZJC5rWEw499.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan at PESO San Rafael, upang ilapit ang disente at sapat na kabuhayan sa bawat pamilyang San Rafaeleño.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page