top of page

Patuloy na Pamamahagi ng Relief Goods, Isinasagawa sa San Rafael

Aug 12
1 min read

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng lubos na naapektuhan ng patuloy na pag-ulan at pagbaha.


Pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang pagtugon ng pamahalaang bayan sa mga pangangailangan ng mga San Rafaeleño na apektado ng masamang panahon.


Binigyang-diin ng Punong Bayan na nakahanda ang Pamahalaang Bayan na tumulong at umagapay sa mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.


Patuloy rin ang panawagan sa pagkakaisa at bayanihan upang sama-samang malampasan ng komunidad ang kasalukuyang pagsubok.

Comments


bottom of page