top of page

Para sa Mas Luntiang Bayan: San Rafael, Naglunsad ng Malawakang Paglilinis


Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kalikasan, isang malawakang paglilinis o clean-up drive ang matagumpay na isinagawa sa iba't ibang bahagi ng bayan ngayong umaga.


Ang aktibidad ay isinakatuparan sa ilalim ng direktang tagubilin ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., at sa inisyatiba ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni Ma'am Zenaida Villanueva.


Naging susi sa tagumpay ng programa ang buong-pusong pakikiisa ng lahat ng barangay sa San Rafael. Sama-samang naglinis ng mga kalsada, baradong kanal, at mga pampublikong lugar ang mga opisyal ng barangay kasama ang mga residenteng nagnanais na iangat ang kalidad ng kapaligiran sa kani-kanilang komunidad.


Pangunahing layunin ng malawakang gawaing ito na mapanatili ang kalinisan sa buong bayan, mapataas ang kamalayan ng publiko sa wastong pagtatapon ng basura, at maiwasan ang mga sakit lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang proyektong ito ay patunay ng epektibong sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan upang isulong ang isang mas malinis, ligtas, at luntiang San Rafael para sa kalusugan ng bawat pamilya.

Comments


bottom of page