top of page

Panukalang Kautusang Bayan Laban sa Ilegal na Pagbebenta ng Gamot, Tinalakay

Aug 7
1 min read

Tinalakay sa isinagawang Committee Hearing ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang panukalang Kautusang Bayan na naglalayong ipagbawal ang ilegal na pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari store sa bayan.


Layunin ng panukala na mapangalagaan ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga San Rafaeleño sa pamamagitan ng pagtiyak na ang pagbebenta ng mga gamot at produktong parmasyutiko ay isinasagawa lamang ng mga lisensiyado at awtorisadong establisimyento, alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon ng Food and Drug Administration (FDA).



Binigyang-diin sa talakayan ang panganib na maaaring idulot ng pagbili at pag-inom ng gamot na hindi angkop sa sakit o karamdaman ng isang tao, partikular kung walang sapat na gabay mula sa awtorisadong health professional.


Sa pamamagitan ng panukala, layunin ng Sanggunian na makatulong sa pagpigil sa hindi awtorisadong pagbebenta ng gamot at higit na maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Comments


bottom of page