top of page

Panukalang Curfew at Liquor Ban, Tatalakayin sa Pampublikong Pagdinig Ngayong Mayo 11


Upang higit na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan sa komunidad, nagsagawa ng isang Public Hearing (Pampublikong Pagdinig) ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ngayong araw, Mayo 11, 2026, sa 3rd Floor Multi-Purpose Hall ng munisipyo.


Ang nasabing pagdinig ay nakatuon sa tatlong (3) mahahalagang ipinanukalang kautusang bayan na may kinalaman sa disiplina sa mga pampublikong lugar. Ang mga paksang tinalakay ay ang mga sumusunod:

  1. Curfew para sa Menor de Edad: Layuning mapangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan at mapanatili ang katahimikan sa pamayanan sa gabi.

  2. Pagbabawal sa Paglalakad ng Walang Pang-itaas (Topless): Panukalang nagbabawal sa paglabas nang walang wastong kasuotan sa mga pampublikong lugar sa buong bayan.

  3. Liquor Ban sa Publiko: Kautusang nagbabawal sa pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa mga pampublikong espasyo.


Ang mga nasabing panukala ay may akda ni Kgg. Joel M. Veneracion at sinuportahan ng lahat ng kasapi ng Sangguniang Bayan bilang mga ka-may akda.


Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na ang boses ng bawat San Rafaeleño ay mahalaga sa pagbuo ng mga batas na ito. Ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga ganitong pagdinig ay susi upang matiyak na ang mga ordinansa ay magreresulta sa isang mas disiplinado, maayos, at ligtas na bayan para sa lahat.

Comments


bottom of page