Panibagong Taon ng Pagsisilbi: Mayor Goto Violago, Nagdiwang ng Kaarawan Kasama ang Pamilya at Mamamayan
- SB San Rafael

- 7 days ago
- 1 min read
Nagpaabot ng kaniyang taos-pusong pasasalamat at dalangin si Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. matapos ang kaniyang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng kaarawan kasama ang kaniyang pamilya at mga mamamayan ng San Rafael.
Puno ng kagalakan at pasasalamat sa Poong Maykapal ang Punong Bayan sa ipinagkaloob na panibagong taon ng buhay, mabuting kalusugan, at patuloy na pagbuhos ng biyaya at pamatnubay.
Binigyang-diin ni Mayor Goto Violago ang kahalagahan ng kaniyang pamilya na patuloy na nagbibigay sa kaniya ng pagmamahal, pag-unawa, at lakas upang maglingkod nang buong puso sa bayan. Ayon sa alkalde, ang kaniyang pamilya at ang mamamayang San Rafaeleño ang pangunahing inspirasyon sa bawat hakbang ng kaniyang pampublikong paglilingkod.
Nagpaabot din ng malaking pasasalamat ang Punong Bayan sa lahat ng mga nagpaabot ng pagbati, nagpadala ng regalo, at nakiisa sa kaniyang kaarawan.
Kasama ang kaniyang katuwang sa pamumuno na si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion at ang buong Sangguniang Bayan, muling pinagtibay ni Mayor Goto Violago ang kaniyang komitment na ipagpatuloy ang tapat at masiglang paglilingkod para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng San Rafael.




Comments