Pampublikong Pagdinig sa San Rafael, Idinaos para sa mga Bagong Panukalang Ordinansa
- SB San Rafael

- May 4
- 1 min read

Matagumpay na idinaos ngayong araw sa bulwagan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang pampublikong pagdinig (public hearing) hinggil sa mga panukalang ordinansa na naglalayong higit pang mapabuti ang serbisyo at kapakanan ng mga mamamayan.
Ang mahalagang pagtitipon ay dinaluhan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga sektor, at mga residente na aktibong nagpahayag ng kanilang mga pananaw sa talakayan.

Pangunahing layunin ng pagdinig na bigyan ng boses at pagkakataon ang bawat mamamayan na magbahagi ng kanilang mga saloobin, mungkahi, at rekomendasyon. Sa pamamagitan nito, sinisiguro ng pamahalaang lokal na ang mga ipatutupad na ordinansa ay naaayon sa totoong pangangailangan ng komunidad.
Kasabay nito, nag-iwan ang lokal na pamahalaan ng patuloy na panawagan sa lahat ng San Rafaeleño na makilahok at maging bahagi ng malinaw at makabuluhang pamamahala sa bayan.





Comments