top of page

Pampublikong Pagdinig sa Kahilingan para sa Tube Ice Plant, Isinagawa sa San Rafael

Aug 31
1 min read

Nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ng pampublikong pagdinig noong Agosto 24, 2026 kaugnay ng kahilingan ni Luisito V. Valones na mabigyan ng Sangguniang Bayan Clearance para sa planong pagtatayo ng Tube Ice Plant Building sa Barangay Tambubong.


Itatayo ang naturang gusali sa lupang may sukat na 482 square meters.

Pinangunahan ang pagdinig nina Vice Mayor Edison M. Veneracion at Kgg. Nestor V. Vicho, Chairman ng Committee on Public Works and Infrastructures, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kinauukulang panig.


Layunin ng pampublikong pagdinig na talakayin ang kahilingan at marinig ang mga usapin at saloobin ng mga kinauukulan kaugnay ng planong pagtatayo ng pasilidad.

Comments


bottom of page