Pampublikong Pagdinig para sa mga Bagong Ordinansa, Idaraos sa San Rafael sa Mayo 4
- SB San Rafael

- May 3
- 1 min read

Inaanyayahan ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang lahat ng mga mamamayan na makilahok sa gaganaping Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) ngayong araw ng Mayo 4, 2026, alas-2:00 ng hapon, sa 3rd Floor Multi-Purpose Hall, Municipality of San Rafael, Bulacan.
Layunin ng pagdinig na talakayin ang mga mahahalagang panukalang ordinansa na naglalayong higit na mapabuti ang kaligtasan, kalusugan, at kaayusan ng komunidad. Ang mga paksang tatalakayin ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Pagpapatibay ng Kautusang Bayan Blg. 2008-09: Ukol sa pagpapatupad ng mga patakaran sa pag-iwas at pagsugpo sa rabies sa tao at hayop, kalakip ang kaukulang kaparusahan sa mga lalabag.
Zero Open Defecation (ZOD) Program: Kautusang naglalayong palakasin ang kalinisan at sanitasyon sa buong bayan, kabilang ang paglalaan ng pondo para sa epektibong pagpapatupad nito.
Mandatory at Random Drug Testing: Para sa lahat ng opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan, kasabay ng pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Policy at mga kaugnay na alituntunin.
Ang mga nabanggit na ordinansa ay akda ni Kgg. Joel M. Veneracion at katuwang ang lahat ng kasapi ng Sangguniang Bayan bilang mga may-akda.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na napakahalaga ng presensya at pakikilahok ng publiko upang matiyak na ang mga batas-bayan na ito ay tugon sa totoong pangangailangan ng bawat San Rafaeleño.





Comments