Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Nagpaabot ng Pasasalamat sa mga Nakiisa sa Relief Operations
- SB San Rafael

- Aug 13
- 1 min read

Sa gitna ng mga pagsubok na dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat, muling napatunayan ng Bayan ng San Rafael ang lakas ng pagkakaisa at bayanihan sa mabilisang pag-alalay sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng kalamidad.
Taus-pusong nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa lahat ng mga kawani, pambansang ahensya, at mga boluntaryo na nag-alay ng kanilang oras at lakas—mula sa pagre-repack hanggang sa mismong pamamahagi at paghahatid ng mga relief goods sa mga nasasakupan.

Kabilang sa mga binigyang-pagkilala at pasasalamat ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, Bureau of Fire Protection (BFP) San Rafael, San Rafael Municipal Police Station (PNP), Philippine Army, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Tanggapan ni Congressman Mark Cholo I. Violago, pati na rin ang mga Punong Barangay, barangay tanod, at mga opisyal mula sa iba't ibang barangay.
Ayon sa pamunuan ng bayan, ang ipinamalas na malasakit at pagtutulungan ng bawat sektor ay patunay na sa panahon ng pangangailangan ay walang naiiwan at walang nag-iisa sa San Rafael.
Ang pagkilala at patuloy na pangangalaga sa kapakanan ng bawat pamilya ay pinangungunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, ang buong Sangguniang Bayan, at Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, na patuloy na nananalangin para sa kaligtasan, katatagan, at mabilis na pagbangon ng buong bayan.





Comments