Pamahalaang Bayan ng San Rafael, Nagpaabot ng Pasasalamat kay Senator Bam Aquino sa Ipinagkaloob na Relief Goods
- SB San Rafael

- Aug 17
- 1 min read

Taus-pusong nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael kay Senator Bam Aquino matapos itong magkaloob ng tulong at mga relief goods para sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa bayan.
Ang naturang tulong-pinansyal at relief packages ay malaking kaagapay upang maibsan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa gitna ng pagsubok na dulot ng masamang panahon at kalamidad.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang maagap na suportang ito ay agad na ipamamahagi sa mga barangay at komunidad na pinakanangangailangan ng tulong at probisyon.
Ang pagtanggap at pamamahagi ng mga tulong pangkalamidad ay buong pusong pinangungunahan ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyaking nakararating ang kalinga sa bawat pamilyang San Rafaeleño.





Comments