top of page

Pamahalaang Bayan, Nagpaabot ng Pagbati sa mga Kawaning Nagdiriwang ng Kaarawan Ngayong Hulyo


Upang bigyang-halaga ang dedikasyon at maghatid ng ngiti sa mga lingkod-bayan, nagpaabot ng isang mainit at taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa lahat ng mga kawani ng munisipyo na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Hulyo.


Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.


Ayon sa pamunuan, ang buwanang pagkilalang ito ay bahagi ng tradisyon ng lokal na pamahalaan upang iparamdam ang pasasalamat sa walang sawang serbisyo, sipag, at sakripisyo ng mga opisyal at empleyado na siyang katuwang sa pagpapatakbo at pagbibigay ng serbisyo-publiko sa buong bayan.


Hangad ng mga pinuno ng San Rafael ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at higit pang tagumpay para sa bawat celebrator sa kanilang personal na buhay at sa kanilang patuloy na paglilingkod sa mga mamamayang San Rafaeleño.

Comments


bottom of page