Pagpupulong para sa mga Bazaar Tenants ng San Rafael Christmas Village & Bazaar 2026, Itatakda sa Oktubre 6

Magkakaroon ng pagpupulong para sa mga interesadong magtinda sa nalalapit na San Rafael Christmas Village & Bazaar 2026 sa Martes, Oktubre 6, 2026, ganap na alas-2:00 ng hapon sa 3rd Floor ng Bahay Pamahalaan ng San Rafael.
Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mahahalagang impormasyon, alituntunin at iba pang detalye kaugnay ng Christmas Village & Bazaar 2026.
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong bazaar tenants na dumalo upang malaman ang mga kinakailangang gabay at iba pang usapin hinggil sa kanilang paglahok sa naturang aktibidad.
Isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang sama-samang pakikilahok ng mga residente at negosyante upang maging masigla at makulay ang pagdiriwang ng Pasko sa San Rafael.






Comments