top of page

Pagpupugay sa Class of 2026: Punong Bayan Cipriano Violago Jr., Personal na Binati ang mga Graduate


Personal na dinaluhan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. ang mga seremonya ng pagtatapos sa iba’t ibang paaralan sa ating bayan ngayong araw. Ang kanyang pagdalo ay bahagi ng pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa isa sa pinakamahalagang yugto sa buhay ng mga kabataang San Rafaeleño.


Sa kanyang bawat pagbisita, nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Punong Bayan para sa mga diploma at medalya na nakamit ng mga mag-aaral. Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga nagsipagtapos na huwag tumigil sa pangangarap at gamitin ang kanilang mga natutunan upang maging produktibong bahagi ng ating komunidad.

"Ang inyong pagtatapos ay hindi dulo, kundi simula ng mas malalaking hamon at tagumpay. Gamitin ninyo ang inyong talino at sipag para sa inyong kinabukasan at para sa ating mahal na bayan," anang Punong Bayan.


Binigyang-diin din ni Mayor Violago ang mga programa ng pamahalaang lokal na patuloy na sumusuporta sa sektor ng edukasyon, gaya ng mga scholarship grants at pagpapatayo ng mga pasilidad, upang matiyak na walang kabataang San Rafaeleño ang mapag-iiwanan sa pag-aaral.


Katuwang sina Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion at ang buong Sangguniang Bayan, nananatiling prayoridad ng administrasyong Violago ang paghubog sa kakayahan ng mga kabataan na siyang magsisilbing susi sa tuluy-tuloy na pag-unlad ng San Rafael.

Comments


bottom of page