Pagpasok ng Southwest Monsoon o Habagat, Inanunsyo ng PAGASA
- SB San Rafael

- May 30
- 1 min read

Opisyal nang inanunsyo ng DOST-PAGASA ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o mas kilala bilang Habagat sa bansa, na isa sa mga pangunahing palatandaan ng nalalapit na pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Ayon sa ulat ng kawanihan ng panahon, inaasahan na ang mas madalas na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat (thunderstorms) sa mga susunod na araw, partikular na sa kanlurang bahagi ng Pilipinas, habang patuloy na lumalakas ang epekto ng Habagat.
Dahil dito, nagpalabas ng maagang paalala ang pamahalaan para sa publiko na maging laging handa at mapagmatyag sa mga posibleng epekto ng masamang panahon gaya ng biglaang pagbaha (flash floods) at landslides, lalo na sa mga mabababang lugar o tabing-ilog.
Kaugnay nito, inaasahan na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Rafael ay patuloy na magbabantay sa antas ng ulan at sitwasyon sa mga barangay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat San Rafaeleño sa pagpasok ng panahong ito.





Comments