top of page

PAGPARADA NG SASAKYAN SA LOOB NG MUNICIPAL COMPOUND, PANSAMANTALANG IPINAGBABAWAL

6 days ago
1 min read

Pansamantalang ipinagbabawal ang pagparada ng anumang sasakyan sa loob ng Municipal Compound ng San Rafael upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga bibisita sa San Rafael Christmas Village and Bazaar.


Inilaan ang dating sabungan sa gilid ng munisipyo bilang alternatibong parking area para sa mga residente at bisita ng Christmas Village.


Hinihikayat ang publiko na gamitin ang itinalagang paradahan at sumunod sa alituntunin upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga mamamayan.

Comments


bottom of page