top of page

Pagpapatupad ng Batas-Trapiko at Seguridad, Pinalakas ng San Rafael MPS sa Brgy. Capihan


Patuloy na pinaiiral ng San Rafael Municipal Police Station (MPS) ang mahigpit na seguridad sa bayan matapos magkasa ng isang Anti-Criminality Checkpoint sa Barangay Capihan nitong Hulyo 18, 2026.


Isinagawa ang naturang operasyon simula 11:00 ng umaga sa ilalim ng pamumuno at pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police ng San Rafael MPS.


Layunin ng aktibidad na mahigpit na maipatupad ang mga batas-trapiko at mga lokal na ordinansa sa bayan. Bahagi rin ito ng patuloy na prayoridad at inisyatibo ng pambansang pulisya na maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad at matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng buong komunidad.



Comments


bottom of page