Pagpapatibay ng Serbisyong Publiko, Isinulong sa ika-30 Regular Session ng Sangguniang Bayan
- SB San Rafael

- Jul 30
- 1 min read

Pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion ang isinagawang ika-30 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael nitong Hulyo 27, 2026.
Dumalo sa naturang opisyal na sesyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan kasama ang mga opisyal at kawani ng Sanggunian upang talakayin ang mga mahahalagang gawaing panglehislatibo ng bayan.

Kabilang sa mga pangunahing agenda ng pagpupulong ang masusing pagbusisi sa iba't ibang panukalang ordinansa, resolusyon, at mga gawaing may direktang kaugnayan sa patuloy na pagpapaunlad ng imprastraktura, kabuhayan, at pampublikong serbisyo para sa mga mamamayan ng San Rafael.
Binigyang-diin sa legislative session ang patuloy na pakikipagtulungan ng Sangguniang Bayan sa ehekutibong sangay ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. upang matiyak na ang bawat pampublikong patakaran ay nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng bawat pamilyang San Rafaeleño.




Comments