top of page

Pagpapalakas ng Sektor ng Edukasyon: Turnover ng mga Libro para sa Elementary at High School, Isinagawa


Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa sektor ng edukasyon, pormal na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ang turnover ng mga bagong libro na ipapamahagi sa mga mag-aaral ng elementarya at junior high school sa ating bayan.


Personal na tinanggap ni San Rafael East District Supervisor Ma’am Marissa Ortega ang mga libro. Ang inisyatibong ito ay sa ilalim ng direktiba nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, katuwang ang buong Sangguniang Bayan.


Layunin ng programang ito na matiyak na ang bawat mag-aaral sa San Rafael ay may sapat at de-kalidad na kagamitan sa loob ng silid-aralan. Bukod dito, nais din ng lokal na pamahalaan na maitaguyod ang kultura ng pagbabasa at patuloy na pagkatuto sa gitna ng mga kabataang San Rafaeleño.


Ayon kay Mayor Violago, ang pamamahagi ng mga librong ito ay simbolo ng matibay na ugnayan ng munisipyo at ng Department of Education (DepEd). "Ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana na maibibigay natin sa ating mga kabataan, kaya naman sinisiguro natin na hindi sila mapag-iiwanan pagdating sa mga kagamitan," anang Punong Bayan.


Nagpasalamat naman si Ma'am Ortega sa tuluy-tuloy na malasakit ng pamunuan ng bayan sa mga guro at mag-aaral ng San Rafael East District.

Comments


bottom of page