top of page

Pagpapakita ng Nasyonalismo: San Rafael, Makikiisa sa Ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan


Bilang pakikiisa sa darating na pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ipatutupad sa bayan ang mga alituntunin ng Memorandum Circular No. 118.


Sa ilalim ng naturang kautusan, inaatasan ang lahat ng mga ahensya at instrumentalidad ng pamahalaan, habang hinihikayat naman ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) at ang pribadong sektor, na magbigay ng kanilang buong suporta at kooperasyon sa pagsasagawa ng mga programa at aktibidad na may kaugnayan sa makasaysayang okasyon.


Isa sa mga pangunahing hakbang na nakapaloob sa sirkular ay ang paglalagay o pagpapakita ng watawat ng Pilipinas sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan at mga pampublikong lugar. Ang pagkakabit ng pambansang bandila ay magsisimula sa Mayo 28, 2026 (Araw ng Watawat) at magpapatuloy hanggang sa mismong Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, 2026.


Ang hakbang na ito ay naglalayong muling buhayin ang diwa ng nasyonalismo, gunitain ang kabayanihan ng mga ninuno, at ipakita ang pagkakaisa ng buong bansa.


Inaasahan na ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay mangunguna sa pagpapakita ng paggalang sa watawat sa lahat ng mga pasilidad ng munisipyo, habang inaanyayahan din ang mga establisyimento sa pribadong sektor at ang bawat tahanan ng mga San Rafaeleño na makisaya at magladlad ng bandila bilang tanda ng pagmamahal sa kalayaan ng Inang Bayan.

Comments


bottom of page