top of page

Pagkakaisa sa Pananampalataya: Mga Pinuno ng San Rafael, Dumalo sa Banal na Misa sa Sabang, Baliuag

Jul 15
1 min read

Bilang pagpapakita ng matibay na pananampalataya at pakikipagkapwa-tao sa karatig-bayan, dumalo ang mga nangungunang pinuno ng San Rafael sa Banal na Misa para sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Carmelo sa Sabang, Baliuag, Bulacan ngayong umaga.


Personal na nakiisa sa banal na pagtitipon ang ating Punong Bayan, Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at si Konsehal Vic Paulino.



Ang pagdalo ng mga opisyal ng San Rafael ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsuporta sa mga tradisyong panrelihiyon at pagpapanatili ng magandang ugnayan sa mga karatig-komunidad sa lalawigan ng Bulacan.


Sa gitna ng kapistahan, naging pagkakataon din ito para sa mga pinuno na ipanalangin ang patuloy na kaligtasan, kapayapaan, at kasaganaan para sa buong bayan ng San Rafael at sa lahat ng mga deboto ng Mahal na Birhen.

Comments


bottom of page