Paghahanda sa Lindol at Tag-ulan, Sinalang sa 2nd Quarter MDRRMO Council Meeting
- SB San Rafael

- Jun 29
- 1 min read

Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa banta ng mga kalamidad, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ang 2nd Quarter Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Council Meeting.
Naging sentro ng pagtitipon ang paglalatag ng mga mahahalagang usapin at estratehiya na naglalayong palakasin ang disaster risk reduction and management sa buong lokalidad, lalo na ngayong pumasok na ang ikalawang bahagi ng taon.
Kabilang sa mga pangunahing detalyeng napag-usapan at pinagplanuhan ng konseho ay ang mga sumusunod:
Mga paghahanda at protocol para sa banta ng lindol at panahon ng tag-ulan
Pagsusuri at pag-usad ng mga kasalukuyang programa at proyekto ng konseho
Mga pinakabagong ulat (updates) ukol sa disaster preparedness at response mechanisms ng bayan
Pagpapalakas ng komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang tanggapan ng gobyerno

Binigyang-diin sa pulong na ang mabilis at maayos na pagresponde sa panahon ng sakuna ay nakasalalay sa pagkakaisa ng bawat sektor. Dahil dito, mas pinagtibay ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga katuwang nitong ahensya.
Ayon sa pamunuan ng MDRRMO, nananatiling pangunahing layunin ng administrasyon ang maghatid ng maagap, epektibo, at maayos na serbisyong pangkalamidad upang matiyak na ligtas, handa, at protektado ang bawat pamilyang San Rafaeleño sa anumang oras ng emergency.





Comments