top of page

Paghahanda sa El Niño: 79% Tsansa ng Tagtuyot, Iniulat ng PAGASA


Bilang bahagi ng paghahanda para sa kaligtasan at kapakanan ng publiko, nagpaabot ng mahalagang impormasyon ang lokal na pamahalaan hinggil sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) tungkol sa tumataas na tsansa ng El Niño.


Ayon sa datos ng PAGASA, mayroong 79% na tsansa ng pagbuo ng El Niño sa mga darating na buwan. Ang fenomena na ito ay inaasahang magdudulot ng mas matinding init ng panahon at kakulangan sa ulan, na maaaring humantong sa kakulangan sa suplay ng tubig sa ating mga tahanan at sakahan.


Ang banta ng El Niño ay inaasahang magkakaroon ng malaking epekto sa sektor ng agrikultura, lalo na sa ating mga magsasaka sa San Rafael na umaasa sa sapat na irigasyon. Bukod dito, maaari rin itong makaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay at kalusugan ng mga mamamayan dahil sa sobrang init.



Comments


bottom of page