top of page

Paghahanda para sa Angel Festival 2026, Pormal nang Sinimulan ng LGU San Rafael


Upang matiyak ang isang makulay, organisado, at engrandeng pagdiriwang, pormal nang sinimulan ng Pamahalaang Bayan ang mga preparasyon para sa nalalapit na taunang Angel Festival.


Isang paunang pagpupulong ang matagumpay na idinaos sa pangunguna nina Tourism Officer Sir Benedict De Leon at Consultant on Tourism Sir Alvin Violago upang ilatag ang mga unang hakbang at konsepto para sa kapistahan ngayong taon.



Nakiisa rin sa talakayan si Konsehal Mel Santos, kasama ang mga Punong Barangay, mga kinatawan ng Sangguniang Kabataan (SK), at mga lokal na choreographer mula sa iba't ibang komunidad na siyang magbibigay-buhay sa mga tradisyunal na sayaw at aktibidad.


Sa nasabing pulong, masusing tinalakay ang mga paunang plano, alituntunin, at mga mekaniks ng mga programa upang masiguro na magiging maayos, ligtas, at makabuluhan ang selebrasyon para sa mga residente at mga bibisitang turista.


Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang pagtutulungang ito ng iba’t ibang sektor ay naglalayong mas maipagmalaki at maipagdiwang ang mayamang kultura, malalim na pananampalataya, at ang matatag na pagkakaisa na sumasalamin sa pagkakakilanlan ng bawat San Rafaeleño.

Comments


bottom of page