top of page

Paggunita sa Eid al-Adha, Nakiisa ang San Rafael


Isang mainit at taimtim na pagbati ng "Eid Mubarak!" ang ipinaabot ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion sa lahat ng mga kapatid na Muslim sa bayan at sa buong bansa na nagdiriwang ng Eid al-Adha o ang Feast of Sacrifice ngayong araw, Mayo 27.


Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Kuya Edison ang kaniyang pakikiisa sa makasaysayan at banal na okasyong ito, na nagpapakita ng malalim na pananampalataya, sakripisyo, at pagkakaisa.


Ang pagdiriwang ngayong taon ay higit pang binigyang-halaga matapos itong ideklara bilang isang regular holiday sa buong Pilipinas sa bisa ng Proclamation No. 1264, s. 2026 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. Ang hakbang na ito ng pambansang pamahalaan ay upang bigyan ang lahat ng pagkakataon—Muslim man o hindi—na gunitain ang kahalagahan ng kapayapaan at pagtutulungan.


Ayon kay Kuya Edison, ang pagkakaisa ng iba't ibang sektor at pananampalataya sa San Rafael ang isa sa mga pangunahing pundasyon ng patuloy na pag-unlad at kaayusan ng bayan.

Comments


bottom of page