Pagbati sa Dalawang Bagong Mag-asawa sa San Rafael
- SB San Rafael

- Jul 23
- 1 min read

Dalawang bagong mag-asawa ang pormal na pinagbuklod sa kasal sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. sa ginanap na opisyal na seremonya ng pag-iisang dibdib sa bayang ito.
Kabilang sa mga bagong kasal na pinag-isang dibdib ng Punong Bayan ay sina:
G. Raymond at Gng. Katelyn Villacorta
G. John Paulo at Gng. Kristine Dela Cruz
Sa naturang seremonya, pormal na pinagtibay ang sumpaan ng dalawang pares habang nagpaabot naman ng kaniyang taos-pusong payo at pagbati si Mayor Violago para sa simula ng kanilang pampamilyang buhay.

Hangad ng Punong Bayan, katuwang ang Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion at ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael, ang isang matagumpay, matatag, at mabiyayang pagsasama para sa mga bagong mag-asawa habang bumubuo sila ng panibagong tahanan sa komunidad.





Comments