PAGASA, Idineklara ang Simula ng Tag-init Ngayong Marso 23
- SB San Rafael

- Mar 23
- 1 min read

Opisyal nang pumasok ang panahon ng tag-init sa Pilipinas matapos ang pormal na deklarasyon ng PAGASA noong ika-23 ng Marso, 2026. Inaasahan ang mas matinding sikat ng araw at pagtaas ng temperatura sa mga susunod na araw, kaya naman mabilis na naglabas ng paalala ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael.
Sa isang pahayag mula sa Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-iingat upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng sobrang init tulad ng heat exhaustion at heat stroke.
"Ang ating kalusugan ang unang dapat nating protektahan. Paalala sa lahat na uminom ng sapat na tubig, umiwas sa matinding sikat ng araw lalo na sa tanghali, at ugaliing pangalagaan ang ating pisikal na kalagayan," ani Vice Mayor Edison.
Katuwang ang Sangguniang Bayan at sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr., nananawagan din ang lokal na pamahalaan sa mga residente na maging mapagmatyag sa mga miyembro ng pamilya na mas vulnerable sa init, partikular na ang mga bata at mga nakatatanda.
Inaabisuhan din ang mga magsasaka at mga manggagawa na nasa labas ng gusali na magkaroon ng sapat na rest periods sa malilim na lugar upang hindi ma-dehydrate. Ang pag-iingat na ito ay bahagi ng adhikain ng pamahalaang bayan na matiyak ang kaligtasan ng bawat San Rafaeleño sa bawat pagbabago ng panahon.





Comments